Ano ang ibig sabihin ng color coded rainfall warnings (dilaw, kahel, o pula)?
Ang mga color-coded rainfall warning na ito ay naglalarawan kung gaano kalakas ang mga pag-ulan at kung gaano kalamang ang pagbaha. Ang mga kulay na ito ay kumakatawan din sa kung anong mga aksyon ang dapat gawin ng komunidad.
Dilaw – Kamalayan sa Komunidad
Kahel – Alerto/Paghahanda ng Komunidad
Pula – Tugon ng Komunidad
Tandaan lamang na ang mas madilim na kulay, mas mapanganib ang sitwasyon sa isang apektadong lugar.